CAGAYAN DE ORO CITY-Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang mga taga suporta ni US Presidential Candidate Joe Biden sa estado ng Illinois.

Sinabi ni Randy Famacion, Bombo International News correspondent sa Chicago, Illinois na luyunin ng mga nagtitipon ay para ipanawagan na ipagpatuloy ang bilangan ng mga balota.

Napilitan umanong gawin ng mga tao ang naturang hakbang matapos magbitaw ng pahayag ang kampo ni incumbent US President Donald Trump na itigil na ang bilangan.

Nilinaw ni Famacion na sa kabila ng nasabing pagtitipon ay sinisiguro naman ang pagsunod sa minimum health standard kagaya ng pagsuot ng facemask dahil sa banta ng COVID-19.