CAGAYAN DE ORO CITY – Sa unang pagkakataon, nakapili na ang mga Moro ng kanilang sariling mga lider sa ilalim ng sistemang parliyamentaryo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Yusoph Mando, Presidente ng National Da’wah Council of the Philippines, ito ay bunga ng mahabang dekada ng pakikibaka at panalangin ng kanilang mga ninuno.

Itinuturing niya ang halalan bilang makasaysayang tagumpay na nagpatunay sa matagal nang minimithing hustisya at kaunlaran para sa rehiyon.

Ang pagkakaroon ng halal na mga opisyal ay inaasahang magdadala ng mas matatag na pamamahala at mas maayos na buhay para sa mga mamamayan ng BARMM.

Para kay Mando, ito ay hindi lamang isang halalan kundi isang simbolo ng tunay na kalayaan ng Moro.