Nilinaw din ni Banuag na hindi kailangang graduate mula sa Xavier University upang maging epektibong lider o makaimpluwensya sa mga estudyante.
Aniya, kahit edukado at may pagsasanay, nananatiling mahalaga ang tamang paggabay dahil minsan nagiging hadlang ang maling paggamit ng social media sa paggawa ng desisyon.
Dagdag pa niya, maaaring malito ang mga tao at magdalawang-isip kahit rehistrado na sila bilang botante.
Kaya’t iginiit niya ang patuloy na kolaborasyon at pagbabantay upang mapanatili ang tamang direksyon.
Hinihikayat din niya ang walang humpay na kampanya sa pagbibigay-edukasyon lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan ng gabay.











