CAGAYAN DE ORO CITY – Nakompiska nang pinagsanib puwersang operasyon ng Philipppine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP-10) ang nasa halos pitong milyong piso ng suspected shabu mula sa limang katao sa ikinasa na entrapment operation sa Purok 3,Poblacion,Kapatagan,Lanao del Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PDEA-Lanao del Norte information officer agent Pabilona na kinilala ang mga naaresto na sina Lenlen Ampaso,41;Amrodin Adel,23 na kapwa taga-Lanao del Norte;Johary Macarao,24,ng Marawi City;Proxy Rauring,41 at Abdul Sawaf Rauring,19 na umanp’y taga-Basak,Lapu-Lapu City.
Inihayag ni Pabilona na mismo ang PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nanguna sa operasyon laban sa mga suspek na dati nang inilaglag ng mga unang naaresto na suspected drug personalities kaya ikinasa ang joint operation kahapon ng umaga.
Nakompiska mula sa mga suspek ang tinatayang nasa isang kilo ng shabu na mayroong halaga na milyung-milyong piso.
Nakatakdang kakasuhan ang mga suspek nang paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ng Tubod,Lanao del Norte sa susunod na linggo.










