Kinuwestiyon ni dating diplomat at law professor Atty. Jojo Lacanilao ang uri ng pamumuno at kakayahan ni Vice President Sara Duterte na mamuno sa bansa sa gitna ng mga nadiskubreng kaduda-dudang galaw ng pera sa Impeachment Court.

Ipinaliwanag ng opisyal na mabigat ang inilabas na ebidensya ng Anti-Money Laundering Council dahil malayo ang nakadeklara sa SALN nito kumpara sa lumaking pera sa mga account ng mag-asawa.

Dahil dito, ipinahayag ng legal expert na nakapuntos ang prosekusyon habang napilitan ang mga abogado ng depensa na atakihin ang kredibilidad ng witness imbes na sagutin ang mismong mga numero sa bangko.

Idinagdag pa ng opisyal na peligroso para sa isang lider ang pagtatago sa katotohanan sa pamamagitan ng pag-asa sa confidentiality ng bangko imbes na ipaliwanag sa publiko ang pinagmulan ng naturang pera.