Binatikos ng geopolitical analyst na si Herman Tiu Laurel ang sinasabing agresibong gawi nina PCG Spokesperson Commodore Jay Tarriela at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. laban sa Tsina sa West Philippine Sea dahil sa banta nito sa ekonomiya ng bansa.

Nilinaw ni Laurel na ang naturang postura ay naglalagay sa peligro sa kabuhayan ng mga Overseas Filipino Workers at ng mga lokal na exporters.

Ipinaalala rin ng analista na mahigit 75% ng mamamayang Pilipino ang mas sumusuporta sa malinaw na diplomasya kaysa sa pakikipag-away.

Kaya naman, nanawagan siya sa pamahalaan na iwasan ang pagpapalaki ng away at piliin ang pag-uusap upang maprotektahan ang kapayapaan sa buong bansa.