Nilinaw ng People’s Constitutional Reform Initiative Convenor at Lay Theologian na si Wilson Amad na hindi itinatag ang International Criminal Court para sa pagprotekta sa mga abusadong lider kundi para sa karapatan ng mga inosente at inaapi.

Reaksyon ito ni Amad sa mga hakbang nina United States President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin, at Chinese President Xi Jinping na pahinain at limitahan ang kapangyarihan ng naturang internasyonal na hukuman.

Paliwanag ng lay theologian, ang naturang korte sa mundo ang takbuhan ng taumbayan na hindi makakuha ng katarungan sa sariling bansa at hindi dapat ipailalim sa prinsipyong “might is right”.

Dagdag ni Amad, kinakailangang igalang ang boses ng maliliit na bansa dahil ang pagdidikta sa kilos ng mundo ay labag sa human dignity, kalayaan, at kapakanan ng taumbayan.