Pinangunahan ng Cagayan de Oro Chamber of Commerce and Industry Foundation ang paghikayat sa malalaking negosyante sa renewable energy, sewerage treatment, at cold chain facilities upang protektahan ang lokal na ekonomiya laban sa stagflation.
Ibinunyag ni Oro Chamber President Engr. Almarico Brito na nakipag-ugnayan ang grupo sa lokal na pamahalaan at sa Chinese Chamber sa loob ng Investment and Incentive Council upang mapabilis ang pagpasok ng mga negosyo at mapababa ang gastos sa pagnenegosyo dito sa lungsod.
Ipinaliwanag ni Brito na marami nang malalaking property developer ang pumiling magbuhos ng puhunan sa Cagayan de Oro kabilang na ang pagpapaunlad sa fish landing sa Barangay Bulua.
Idinagdag ng opisyal na sa pamamagitan ng pag-imbita sa mga cold chain operator, mapepreserba na ang mga produkto sa agrikultura at hindi na ito masisira dahil sa kakulangan ng pasilidad.











