Nanawagan si dating Executive Secretary at Hakbang ng Maisug Lead Convenor Atty. Vic Rodriguez sa gobyerno na unahin ang pagsugpo sa korapsyon at pagsasaayos sa panukalang 2027 National Budget upang malutas ang totoong suliranin sa ekonomiya.
Binigyang-diin ni Rodriguez na humaharap ngayon ang Pilipinas sa paghina ng halaga ng piso, mataas na antas ng kawalan ng trabaho, at pagbagal ng third quarter Gross Domestic Product growth patungong 2.1 porsyento.
Ipinaliwanag ng dating opisyal na hindi maitatago ang totoong kalagayan ng ekonomiya dahil may kompletong datos ang mga dayuhang lider tulad ni United States President Donald Trump ukol sa sitwasyon ng bansa.
Nilinaw ni Rodriguez na mas mabuting ituon ng administrasyon ang pondo ng taumbayan sa mga programang magpapaunlad sa ekonomiya imbes na sa mga mararangyang paggastos.











