Hinikayat ng mga tanong at panawagan ng mga gobernador at mayor ang pagpapatuloy sa pagpapalawak ng Mindanao Container Terminal, ayon kay PHIVIDEC Industrial Authority Administrator Atty. Joseph Donato Bernido.
Ikinuwento ni Bernido na sa bawat pagdalo nito sa mga pulong at aktibidad kabilang na sa Regional Development Council, palaging itinatanong ng mga lokal na opisyal kung kailan masisimulan ang pagpapalawak ng pantalan.
Idinagdag ng administrador na itinuturing nito ang naturang mga tanong bilang direktiba upang hindi huminto sa pagsusulong ng proyekto kahit sa mga hamon sa pagpaplano at batas.
Iginiit ni Bernido na ang nagkakaisang pananaw ng mga lider sa rehiyon ang nagbibigay ng lakas upang mapabilis ang pagkilos para sa pag-unlad ng pasilidad.











