Hindi lamang ang biktima kundi pati na rin ang mag-aaral na nang-bully ang dapat tutukan ang mental health, ayon kay House of Hope Foundation Inc. psychiatric nurse Julie Mae Maisog-Robles.

Ipinaliwanag ng nurse na kadalasang may sariling pagkabalisa o kakulangan sa gabay mula sa magulang ang batang gumagawa ng pambu-bully kaya kinakailangan ang pagwawasto sa pag-uugali.

Nilinaw ni Maisog-Robles na kung ang mga preso nga ay binibigyan ng pagkakataong magbago, mas nararapat bigyan ng tamang paggabay ng paaralan at pamilya ang mga kabataan.

Isinulong ng psychiatric nurse ang magkatuwang na pagsisikap ng magulang at paaralan upang maalagaan ang kalagayang pangkaisipan ng mga mag-aaral.