Pagod na ang mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre sa napakahabang paghihintay sa tunay na hustisya kahit lumipas na ang 17 taon mula nang maganap ang naturang krimen.
Sinipi ni National Union of Journalists of the Philippines Cagayan de Oro Chapter Secretary General Cheleste Simene Jomaya ang pahayag ni CenterLaw Philippines Executive Director Atty. Gilbert Andres na matagal nang naghihintay ang mga kaanak ngunit nagpapatuloy pa rin ang kanilang pakikipaglaban.
Ibinahagi ni Jomaya na nagkaisa ang iba’t ibang chapter ng NUJP sa kabiseraan at sa lalawigan sa paggunita sa naturang trahedya upang ipagpatuloy ang sigaw para sa hustisya.
Binigyang-diin ng lider ng lokal na prensa na ang paghinto sa paggunita at pananawagan ay katulad na rin ng pagpayag na mapigilan ang katotohanan at ang hustisya sa kabuuan.











