Hindi pabor sa mga manggagawang Pilipino ang panukalang Pax Silica dahil makikipagkumpitensya pa ang taumbayan laban sa mga dayuhang aplikante mula sa labas ng bansa.

Ito ang pinanindigan ni Gabriela Women’s Party Representative Dr. Jean Lindo matapos bigyang-diin na mga ordinaryong processing at low-paying jobs sa mga pabrika lamang ang iaalok para sa mga Pilipino.

Ipinaliwanag ni Lindo na ang malalaking posisyon at high-paying jobs ay ibibigay pa rin sa mga taga-ibang bansa habang walang katiyakan kung prayoridad ba ang mga lokal na manggagawa.

Dagdag ng kinatawan ng grupo, naaabuso na ang lupa at likas na yaman ng Pilipinas habang iilan lamang na mga ahente ang makikinabang sa naturang proyekto.