Hiniling ni Roads and Traffic Administration Manager Doy Ramiro sa mga opisyal ng barangay na ipakita ang presensya sa lansangan upang matulungan ang gobyerno sa pagsaway sa mga maiingay na motorista.
Obserbasyon ni Ramiro, karamihan sa mga nagmamaneho ng motorsiklo na may maingay na tambutso ay walang suot na helmet at walang lisensya na maaari nang mapigilan agad sa antas ng barangay.
Bagama’t limitado pa ang kapangyarihan ng mga kapitan ukol sa pagsukat ng ingay ng tambutso, tiwala ang opisyal na malaki ang maitutulong ng barangay visibility upang mabawasan ang mga pasaway na nakatira rin sa komunidad.
Hinimok ni Ramiro ang paghingi ng legal opinion mula sa Department of the Interior and Local Government upang malinaw ang karagdagang police power ng mga kapitan laban sa naturang problema.











