Tunay na hustisya ang patuloy na panawagan ng ina ni UNTV reporter Victor Nuñez matapos ang katatapos lamang na paggunita sa ika-17 taon ng madugong November 23, 2009 Maguindanao Massacre na ikinasawi ng 32 miyembro ng media.
Nakiisa ang ina ng biktima sa National Union of Journalists of the Philippines Cagayan de Oro Chapter sa naturang aktibidad kung saan ipinahayag nito na partial justice pa lamang ang nakamit ng pamilya mula nang ibaba ang hatol noong December 21, 2019.
Aminado ang senior citizen na ina na kung minsan ay nawawalan na ng pag-asa dahil sa tagal ng pagkamit sa hustisya kung saan nagsimula ang kaso sa edad na 47 taong gulang pa lamang siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos.
Gayunpaman, pinasalamatan ng pamilya ang patuloy na suporta ng mga miyembro ng media at ng NUJP sa loob ng 17 taon na pakikipaglaban para sa katotohanan.










