Hindi lamang hanggang sa pagtutol sa Pax Silica ang paninindigan ng mga estudyante ng University of Science and Technology of Southern Philippines laban sa mga maiinit na isyu ng bansa.

Tiniyak ni USTP Student Government President Angel Janette Taglucop na mas hihikayatin ng bagong administrasyon ang mga kabataan na magpahayag ng paninindigan sa mga problema ng gobyerno habang inuuna ang paglalatag ng mga programa ng konseho.

Kahit naantala nang ilang buwan sa pag-upo sa katungkulan, binigyang-diin ng lider na unti-unti nang tutugunan ng student government ang mga pangunahing pangangailangan sa paaralan.

Tiniyak ni Taglucop na ipaprayoridad sa kanilang termino ang mental health at pangkalahatang kapakanan ng mga estudyante.