CAGAYAN DE ORO CITY – Nanawagan ang Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) Mindanao na huwag nang mangutang ang bansa para sa rehabilitasyon ng Agus-Pulangi Hydroelectric Power Complex.

Ayon kay Pat Jared Pangantihon, may sapat na pondo ang gobyerno gaya ng Sovereign Wealth Fund na maaaring gamitin.

Ikinadismaya niya na mas pinili ng Department of Finance ang public-private partnership na nagbubukas ng oportunidad sa malalaking negosyante.

Para sa grupo, dapat protektahan ang pampublikong asset at hindi ipasa sa pribadong interes.

Iginiit nilang ang planta ay mahalagang yaman ng Mindanao na dapat manatiling kontrolado ng estado.