CAGAYAN DE ORO CITY-Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 18-anyos na lalaki matapos kasama itong nasunog sa mga bahay sa Villa Ernesto Phase 1 Gemini St. Brgy. Gusa nitong lungsod.

Mahimbing ang tulog ng biktimang si Brian Kent Joketon kaya bigo itong makalabas ng lamunin ng apoy ang kanilang bahay.

Sinabi ni Fire Sr. Inspector Willie Tan ng BFP, pitong bahay ang naabo habang tatlo naman ang partially damage at tinatayang nasa P1.2 Million ang danyos sa nasabing sunog.

Ayon kay Tan, patuloy pa nilang iniimbestigahan ang sanhi ng insidente.