CAGAYAN DE ORO CITY-Wala nang balak na ituloy ang unang plano na isasailalim sa lockdown ang dalawang Barangay ng Iligan City.

Itoy matapos malaman na hindi pa nakabalik sa kanilang lugar mula pantalan dito sa Cagayan de Oro ang naturang mga COVID-19 positive.

Sinabi ni ligan City Information Officer Joe Pantoja na magmula ng maging local stranded individuals o LSI at kalaunan ay tinamaan ng virus, hindi na nakabalik ang dalawa sa Brgy Tomas Cabili at Brgy Suarez.

Napag-alamang mayroon ng pitong katao ang nagpositibo sa coronavirus sa nasabing lungsod.