CAGAYAN DE ORO CITY-Napagdesisyonan ng 23 unibersidad at koliheyo sa rehiyon diyes na ipagpaliban na lamang ang pagtataas ng matrikula nitong school year dahil sa kinakaharap na coronavirus pandemic.

Sinabi ni CHED-10 Director Raul Alvarez na nasa dalawampu’t walong paaralan ang unang nag-abisong magtataas ng kanilang tuition fees ngunit hindi na ipipilit pa ng dalawampu’t talo sa mga ito.

Sinabi ni Alvarez na isa rin itong paraan para matulungan ang mga magulang at estudyante sa pasanin ng gastusin lalo na’t may kinakaharap na pandemya.