Ipinaalala ng Professional Criminologists Association of the Philippines kay NAPOLCOM Vice Chairman Atty. Rafael Vicente Calinisan ang mahigit 30,000 kaso ng riding-in-tandem bawat taon matapos sitahin ng opisyal ang nag-viral na criminology intern.
Nilinaw ni PCAP National President Dr. Gerry Janubas Caño na dahil sa naturang banta sa seguridad, maraming lokal na pamahalaan kabilang ang Cagayan de Oro at mga lungsod sa NCR ang nagpasa ng ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng helmet sa loob ng lungsod upang makilala ang mga kriminal.
Nilinaw rin ng opisyal na hindi makatarungan na bigyan ng masamang imahe ang mga estudyante sa pamamagitan lamang ng isang larawan sa social media nang walang pag-aaral sa lokal na alituntunin.
Kaya naman, ipinaalala ng grupo sa NAPOLCOM na repasuhin at suriin muna ang kalagayan ng kriminalidad sa kalsada imbes na magpalabas ng hindi balanseng deklarasyon.











