CAGAYAN DE ORO CITY-Nahuli sa akto ang apat na priso na bumabatak ng pininiwalaang shabu sa loob ng Misamis Oriental Provincial Jail o MOPJ nitong lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Velez, 28, Johary Aliakbar, 24, Archie Yamson, 28 ug Jeffrey Paday, 36-anyos.

Sinabi ni MOPJ Asst. Jail Warden Maricris Mulat, nagsasagawa umano sila ng random inspeksyon nang makita sa akto ang nasabing mga inmates na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Naniniwala si Mulat na isinalin ang pinaniniwalaang shabu sa pagkain na ipinapadala ng mga kamag-anak kaya’t nakapasok ito sa loob ng kulungan.