CAGAYAN DE ORO CITY-Wala ng buhay nang matagpuan ang nasunog na katawhan ng isang 89-anyos na lolo sa Purok 1 Mandaing, Cabanglasan Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Marcial Lambos na residente sa nasabing lugar.

Sinabi ni Cabanglasan Municipal Police Station Commander Capt. Melchor Saraus Jr na mag-isa lamang ang matanda sa tirahan nito at posible umanong inatake sa puso kaya’t natumba sa ginamit na pang ilaw na lampara na nagresulta sa sunog.

Ayon kay Capt. Saraus wala naman silang nalaman na may nakaaway ang biktima na nakatira sa lugar na malayo sa mga kapit-bahay.