CAGAYAN DE ORO CITY – Naging emosyunal ang ina ng 15-anyos na dalaga matapos umanong ginahasa ng tatlong beses ng tricycle diver ang kanyang anak sa bahagi ng Cogon, Lungsod ng Cagayan de Oro.

Ayon sa biktimang si alyas Lily, nangyari ang insidente nang sumakay siya sa tricycle ng hindi pa nakikilalang drayber bandang alas-7:00 kagabi.

Nakawala lamang daw siya sa kamay ng suspek matapos iniwanan siya nito sa isang liblib na bahagi ng nasabing lugar.

Una rito, hindi nakaiwas ang biktima sa suspek nang binantaan itong papatayin gamit ang isang kutsilyo.

Ibinunyag ni alyas Lily na ginahasa siya sa suspek hanggang alas-2:00 ng madaling o araw na ng Lunes.

Matapos ang umano’y panggagahasa, nakuha pa ng suspek ang mag-sorry sa biktima.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga otoridad kung saan tumambad ang kanyang duguang pang-ibabang suot, gayundin ang gutay-gutay na pantalon, at puno ng putik na damit.

Kasalukuyang hinihintay ng pamilya ng biktima ang medico legal ng kanilang anak.

Samantala, inilunsad na ng Police Station-2 Cogon ang pursuit operation laban sa sinasabing rapist.