CAGAYAN DE ORO CITY – Nakuha ni independent presidential candidate Vice President Leni Robredo ang buong suporta mula kay incumbent Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan,SSJV,D.D para sa nalalapit na halalan sa May 9 sa bansa.
Kaugnay ito ng unang pagbisita ni Robredo bilang national candidate sa pangunahing mga lungsod sa Northern Mindanao buong araw kahapon.
Sakay ng pribadong chopper,unang lumapag ang team ni Robredo sa kanyang supporters sa Iligan City at dumiritso sa Gingoog City ng Misamis Oriental at nagtapos para sa kanyang political rally sa plaza divisoria ng Cagayan de Oro.
Bago humarap si Robredo sa tinatayang `10,000 na political suppoters na mula sa iba’t-ibang sektor ng rehiyon ay dumaan muna ito sa Archbishop Patrick Cronin Hall sa mismong bisinidad ng San Agustin Cathedral kaya’t solo na nakuha nito ang suporta ng ilang opisyal ng simbahang Katoliko.
Naghayag rin ng suporta si Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma,SJ,D.D sa kandidatura ni Robredo.
Una rito,nilinaw naman ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs Executive Sec Fr Jerome Secillano na wala silang kinalaman sa pinagagawa na hayagang pagsuporta ng ilan sa kanilang mga obispo ug pari sa mga kandidato.
Sinabi ni Secillano na nanatili na ‘non-partisan’ ang simbahang Katoliko at hindi nag-e-endorso ng sinumang mga kandidato sa mga halalan.
Bagamat,ginalang nila ang karapatan ng kanilang mga kasamahan bilang mga botante rin sa bansa.