“Balimbing man ang ilan, ngunit nilinaw ni Atty. Raymond Batu, legal counsel ng DDS SARA ALL CONFEDERATION, na lehitimo na ang bagong 13 senador sa majority bloc sa pamumuno ni Senate President Sherwin Gatchalian.

Gayunpaman, ipinahayag niya na kinakailangan pa ring manghimasok ang Korte Suprema upang magbigay ng malinaw na gabay kaugnay sa mga isyu ng konstitusyon, partikular sa pagbaba ng threshold ng pagboto mula 24 patungong 22 senador.

Subalit, binigyang-diin din ng abogado na dapat pa ring pagdesisyunan ang mga lehitimong katanungan hinggil sa mga hakbang at resolusyong ipinasa ng naturang grupo simula noong Hunyo 3.”