Pinagtibay ng ACT ang panawagan para sa ₱50,000 entry-level salary ng mga guro. Ayon kay Chairperson Ruby Bernardo, may sapat na pondo ang gobyerno kung iiwasan ang korupsyon at maling paggastos.
Libo-libong guro ang nakatakdang magmartsa patungong Kongreso upang ipanawagan ang agarang pagpasa ng batas na magtatakda ng mas mataas na sahod.
Giit ng grupo, panahon na para seryosohin ang kapakanan ng mga guro na matagal nang nakararanas ng mababang kompensasyon.
Nanawagan sila ng mabilis na aksyon ngayong Teachers’ Month upang matugunan ang kanilang kahilingan.
Aniya ang pagtataas ng sahod ay hindi lamang para sa kapakanan ng mga guro kundi para rin sa kalidad ng edukasyon sa bansa.











