Itinanggi ni Konsehal Eric Salcedo ang lumabas na tsismis na nakakuha umano ito ng 20 milyong piso habang nagpapatuloy pa ang negosasyon para sa 8.5 bilyong pisong loan ng bagong Government Complex.

Hindi rin naiwasan ng opisyal na tanungin ang minorya kung bakit sa session lamang ng konseho itinatanong ang mga duda at pagharang imbes na inilabas ang mga ito noong hearing ng Laws and Rules Committee kung saan naroon ang Local Finance Committee.

Nilinaw ng konsehal na nakabase sa feasibility study ang pagboto nito ng ‘YES’ dahil 80 porsyento ng mamamayan ang gustong ilipat na ang pasilidad ng lungsod.

Kaya naman ipinahayag ng opisyal na papanindigan nito ang naturang desisyon para sa ikabubuti ng publiko dahil nakatuntong ito sa prinsipyo at hindi sa pamumulitika.