Ikinalugod at ipinagmalaki ng Archdiocese ng Cagayan de Oro ang makasaysayang pagkakapili kay Cardinal Luis Antonio Tagle bilang kauna-unahang Pilipino at Asyano na naging Dean ng College of Cardinals.
Batay sa inilabas na pahayag ni Fr. Der John Faborada, isa itong malaking dahilan ng kagalakan at karangalan para sa buong simbahang Katoliko sa bansa ang inilabas na italaga mula sa Vatican.
Itinuro ng pari na ang hawak na tungkulin ay mangangalaga sa pagpapatakbo ng mga pagpupulong ng mga kardinal at sa pagsasagawa ng conclave sa oras na mabakante ang papacy.
Dahil sa malaking biyayang ito, hinimok ang mga mamamayan na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa mabuting kalusugan at matalinong paglilingkod ng kardinal sa kanyang bagong responsibilidad.











