“That is a stupid suggestion!” — ito ang matalim na paglalarawan ni Former DepEd Director at dating Vice Governor Joey Pelaez sa mungkahi na ipasoot ng sando ang mga estudyante at guro laban sa init ng El Niño.

Ipinahayag ng dating opisyal na hindi dapat tanggapin ang naturang solusyon ng gobyerno para sa sektor ng edukasyon.

Bukod dito, kaugnay ng kanyang biro sa naturang mungkahi, sinabi ni Pelaez na mas mabuting maghubad na lamang ang lahat upang mas maging matagumpay ang pagiging katawa-tawa ng gobyerno.

Dahil dito, iginiit ng opisyal na nangangailangan ng seryoso at tunay na proteksyon ang mga paaralan imbes na mga gawa-gawang mungkahi ang ihain laban sa banta ng klima sa kasalukuyan.