Hiningi ng United People Against Corruption (UPAC) na huwag tulugan ang pagkamit ng katarungan para sa mga biktima ng substandard na flood control projects.

Ipinahayag ni UPAC Spokesperson Bishop Bellaser “Kiko” Herrera na hindi pa sapat ang pagkakulong ng ilang opisyal habang nagdurusa pa sa perwisyo at pagkawala ng kabuhayan ang mga mahihirap.

Dagdag pa rito, itinuro ng lider na magandang pag-unlad ang resolusyon ng Court of Appeals na nagbigay ng pag-asa matapos apelahin ang 20-milyong pisong docket fee na ipinagbabayad ng RTC sa mga biktimang mahihirap.

Dahil dito, iginiit ng opisyal na patuloy silang sisigaw ng katarungan at bayad-pinsala hanggang sa managot ang lahat ng responsable sa multi-billion scam.