Naniniwala ang United People Against Corruption na may pag-asa pa ang bansa basta’t mayroong tatayo laban sa malawak na flood control scandal.

Ipinahayag ni UPAC Spokesperson Bishop Bellaser “Kiko” Herrera na malayo pa ang pakikipaglaban kumpara sa daan-daang bilyong pisong nawalang salapi ng gobyerno.

Dagdag pa rito, hinimok ng lider ang mga Pilipino at mga progresibong grupo na huwag huminto sa paghingi ng katarungan para sa susunod na henerasyon.

Dahil dito, iginiit ng opisyal na papanagutin pa rin nila ang mga abusadong opisyal sa pinsala sa pamamagitan ng inihain nilang indemnity class suit.