Malaki ang pag-asa ng Moro Consensus Group sa nakatakdang pagpapatupad ng unang napiling Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliament ngayong Oktubre 30.
Nilinaw ni Chairman Drieza Lininding na mas magdadala ito ng pag-unlad sa pamamagitan ng pagbuo ng mga koalisyon at tamang paghahati ng kapangyarihan sa pamamahala.
Bukod dito, ipinahayag ng lider na makatutulong din ang presensya ng 18 kinatawan mula sa Lanao del Sur upang mas marinig ang boses ng mga Maranao.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa pagkakaisa ng lahat ng kasapi ng parlamento upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa buong rehiyon.











