Inilarawan ng Save Bangsamoro Movement na isang political optics at walang matibay na batayan ang inilabas na ulat na nakasiguro na ng 46 na Members of Parliament ang Bangsamoro Federal Party.

Ipinahayag ni Save Bangsamoro Movement Convenor Datu Tokz Bin Abdurrahman na inilabas lamang ang mga naturang numero upang ipakita sa Malacañang na walang kinakailangang pagpapakialam matapos ang hiling ng MILF para sa isang briefing.

Dagdag pa ng opisyal, mas malaki ang tsansa na makipag-ugnayan ang Bangsamoro Grand Coalition sa UBJP dahil sa tinatalakay na Rainbow Coalition sa ilalim ng pambansang pamahalaan.

Kaya naman ipinahayag ng grupo na kinakailangang ilabas ang pormal na listahan at dokumento upang malaman ang totoong sitwasyon ng politika sa rehiyon.