Nagbabala ang ekonomista at Dating Vice Governor ng Misamis Oriental na si Joey Pelaez na mas bababa pa ang kakayahang bumili ng ordinaryong Pilipino dahil sa paghina ng piso laban sa dolyar sa kasalukuyan.

Nilinaw ng eksperto na ang naturang kalagayan ay magdadala ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis, kuryente, pagkain, at mga gamot na kadalasang inaangkat mula sa labas ng bansa.

Dagdag pa rito, ipinahayag ng lider na mayroong kaunting positibong epekto ang naturang sitwasyon para sa mas malaking kapalit ng padala ng mga OFW at kita ng BPO sector.

Dahil dito, nanawagan ang opisyal sa agarang pagpapalakas ng lokal na ekonomiya upang hindi magdusa ang taumbayan sa patuloy na pagmamahal ng mga batayang pangangailangan.