Binatikos ng Amihan National Federation of Peasant Women ang pagiging reactive ng gobyerno sa mga krisis sa bansa matapos balde lamang ang solusyong naisip nito at walang malinaw na plano para sa mga sektor na lubhang maaapektuhan.

Ipinahayag ni AMIHAN Representative Cathy Estavillo na kabila ng maagang babala ng PAGASA sa Super El Niño, nananatiling walang konkretong hakbang ang Department of Agriculture na nagresulta sa pagmamahal ng pagkain.

Dahil dito, nananatiling nagdurusa ang mga magsasaka sa pagkawasak ng kanilang mga pananim at sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kaugnay nito, nanawagan ang AMIHAN sa agarang pagbibitiw ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. dahil sa kabiguan sa pagbibigay ng tunay na suporta sa lokal na agrikultura.