Dahil sa nagkakalapit na pagdiriwang ng Undas 2026, higit pang pinahigpit ng Aviation Security Unit Region 10 ang seguridad sa mga paliparan sa Laguindingan, Camiguin, at Ozamiz.
Ipinahayag ni Aviation Security Unit Region 10 Assistant Regional Chief PLTCOL Mardi Hortillosa na itinaas na ang kanilang alert status at naorganisa na ang mga tauhan na magmo-monitor sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero batay sa naobserbahan sa mga nakaraang taon.
Dahil dito, mananatiling nakatutok ang buong pwersa sa loob ng mga paliparan upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng lahat ng sasakay sa mga eroplano.
Samantala, nagpaalala rin ang tanggapan sa mga pasahero na sundin ang mga alituntunin sa paliparan upang maiwasan ang anumang pagkaantala sa kanilang pagbiyahe.











