Walang pinipili at walang makalilusot kahit ang mga nakasakay sa chartered flights sa ipatutupad na mahigpit na screening sa mga paliparan sa Rehiyon 10 para sa darating na Undas.

Nagpahayag si Aviation Security Unit Region 10 Assistant Regional Chief PLTCOL Mardi Hortillosa na dalawang yugto ng X-ray screening machines ang dadaanan ng lahat ng dalang maleta habang susuriin din ang mga metal na gamit ng bawat pasahero bago makasakay sa eroplano.

Sa pamamagitan nito, matitiyak ng mga awtoridad na walang makapapasok na mga ipinagbabawal na magdadala ng peligro sa loob ng eroplano.

Subalit, nilinaw ng opisyal na hindi na kinakailangan ang paghuhubad ng sapatos habang mananatiling mabinantayon ang tanggapan para sa kaligtasan ng lahat ng bumiyahe.