Makararanas ng dry condition at dry spell ang ilang lalawigan sa Region-10 habang inaasahang magpapatuloy ang epekto ng El Niño hanggang sa unang mga buwan ng taong 2027.

Nagpahayag si Office of Civil Defense Region-10 Regional Director Antonio Sugarol na inilabas na ang RDRRMC Advisory para sa Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon, Camiguin, at Misamis Oriental.

Batay sa inilabas na impormasyon, binanggit ng opisyal na hindi lamang kakulangan sa tubig ang posibleng epekto ng tagtuyot kundi pati na rin sa agrikultura, food security, public health, energy supply, at grass fires.

Dahil sa naturang sitwasyon, ipinaalala sa bawat pamunuan na huwag nang maghintay sa mga pambansang ahensya at mabilisang ipatupad ang mga hakbang sa pagtatanggol sa mamamayan.