Dodoblehin ng kepulisan ang seguridad sa mga terminal, daungan, at tourist spots sa Northern Mindanao sa gitna ng inaasahang dagsa ng mga bumiyahe sa Undas.
Ipinaliwanag ni Police Major Joan Navarro, spokesperson ng PRO-10, na hindi lamang sa mga sementeryo nakatutok ang kepulisan dahil magsasagawa rin sila ng mobile patrolling at magtatatalaga ng tourist police sa mga lugar na pupuntahan ng mga tao.
Idinagdag din ng opisyal na patuloy nilang pinaiiral ang mga focused law enforcement operations laban sa ilegal na droga, hindi rehistradong armas, at iba pang uri ng kriminalidad upang hindi makapagsamantala ang mga masasamang elemento.
Dahil dito, nagsagawa ng inspection at red teaming ang mga opisyal sa regional headquarters upang matiyak na lahat ng kasapi ng kepulisan ay naka-duty at nakataga talaga sa kanilang mga pwesto.











