Inihanda na ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang mga espiritwal at tradisyunal na paghahanda ng Simbahan para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kalag ngayong Linggo at Lunes.
Ipinahayag ni Archdiocese of Cagayan de Oro Apostolate Communication Officer Fr. Der John Faborada na nakalinya na ang mga Misa para sa mga naturang araw dahil ang Nobyembre 1 ay isang Holy Day of Obligation, kasama ang pagsasagawa ng parade of saints kung saan magbibihis ang mga kabataan tulad ng kanilang paboritong patron saint.
Idinagdag din ng clergy na prayoridad ang paghahanda ng bawat pamilya para sa kanilang pagdalaw sa sementeryo, pag-aalay sa mga libingan, at pagkakaisa sa pamamagitan ng family reunion.
Kaya naman, nanawagan ang Simbahang Katoliko sa lahat ng mamamayan na ihanda ang sarili sa pamamagitan ng maampoong disposisyon bago sumapit ang pagdiriwang sa Nobyembre 1 at 2.











