Pinaiiral ng Department of Education sa Lungsod ng Cagayan de Oro ang kanilang limang taong roadmap na matatapos sa taong 2028 upang maprotektahan ang mga paaralan at estudyante laban sa epekto ng El Niño at matinding init.

Nilinaw ni DepEd CDO Head Program Director Romel Aclo na sa ilalim ng naturang direksyon, magtatayo ng mga green corridors, magtatanim ng mga puno, at maglalagay ng mga rainwater harvesting facilities sa mga paaralan.

Ipinahayag din ng opisyal na hindi lamang ito mabilisang solusyon kundi isang pangmatagalang paraan upang matiyak ang ikabubuti at pag-aaral ng mga bata.

Kaya naman, nanawagan ang ahensya sa lahat ng principal at guro na ipatupad at sundin ang mga naturang alituntunin sa bawat paaralan.