Binatikos ng Archdiocese ng Cagayan de Oro at tinitingnan bilang isang malaking wake-up call sa mga politiko ang pagiging unconstitutional ng pondo ng gobyerno sa mga nakaraang taon.

Nilinaw ni Archdiocese Apostolate Communication Officer Fr. Der John Faborada na ang naturang desisyon ng Korte Suprema ay isang paalala na unahin ang tunay na paglilingkod sa taumbayan imbes na ang personal na interes.

Idinagdag ng opisyal na bukod sa pagmamalasakit at pagbabantay laban sa korapsyon sa gobyerno, kinakailangan din ang patuloy na pagdarasal para sa mga lider na namamahala sa bansa.

Kaya naman, nanawagan ang Simbahang Katoliko sa publiko na maging masigasig sa pagpapanatili ng tunay na paglilingkod at pagtulong lalo na sa mga mahihirap.