Binatikos ng Professional Criminologists Association of the Philippines (PCAP) ang pahayag ni NAPOLCOM Vice Chairman Atty. Rafael Vicente Calinisan laban sa nag-viral na criminology intern na walang helmet sa pambansang kalsada.

Nilinaw ni PCAP National President Dr. Gerry Janubas Caño na bagama’t kaisa sila sa pagdidisiplina sa mga estudyante, hindi makatarungan at walang sapat na batayan ang paggawa ng sweeping statement na labag sa batas ang buong komunidad ng kriminolohiya.

Idinagdag ng opisyal na imbes na sirain ang imahe ng mga intern, mas mabuting suriin ng NAPOLCOM kung bakit hindi rin naipatupad ng kepulisan ang alituntunin sa kalsada.

Dahil dito, ipinaalala ng grupo sa pamahalaan na mag-ingat sa paglalabas ng pahayag upang hindi magbigay ng maling impresyon sa publiko.