Tinuldukan ng Malacañang ang mga tsismis ukol sa posibleng kapalit kay Bise Presidente Sara Duterte sa gitna ng nagpapatuloy na isyu ng impeachment.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, ibinunyag nito na mas nakatutok ang administrasyon sa pagharap sa krisis sa Super El Niño at kaguluhan sa Middle East kaysa sa away-politika.

Idinagdag ng opisyal na kinakailangang bigyan ng respeto at panahon ang pwesto ng Bise Presidente upang makatugon ito sa mga ebidensya sa pormal na proseso.

Hamon ngayon ng Palasyo sa mga politiko na itigil ang paghahangad sa pwesto at ipaubaya sa tamang daan ang naturang kaso.