Pinanindigan ng Malacañang na hindi pwedeng gawing batayan ang mataas na survey rating upang iwasan lamang ang mga ebidensya sa impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay PCO Undersecretary Claire Castro, ibinunyag nito na mas mahalaga ang katotohanan at pagpapanagot sa bayan kaysa sa mga numero sa damdamin ng taumbayan.

Idinagdag ng opisyal na kung totoong ipinagtatanggol ng Bise Presidente ang publiko, mas mabuting ilabas nito ang kanyang mga pangkontrang dokumento sa pormal na hearing.

Hamon ngayon ng administrasyon mismo kay VP Sara na linisin ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng mga matibay na ebidensya at hindi lamang sa damdamin ng publiko.