Hindi makaliligtas si Presidente Ferdinand Marcos Jr. sa pananagutan at pwedeng habulin ng impeachment sa darating na taon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Masa Sara Duterte Alliance Founding Convenor Ben Ranque, ibinunyag nito na magiging batayan ng mga mambabatas ang hindi pag-veto ng Presidente sa mga probisyon ng badyet upang makawala sila sa sariling kasalanan.
Idinagdag ng opisyal na bukod sa impeachment, mabilis pa ring hahabulin ng mga kaso ang Presidente pagbaba nito sa pwesto sa taong 2028 dahil sa pagtatapos ng kanyang immunity from suit.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa taumbayan na imbestigahan din ang pagtatahimik ng ibang politikong nakakinabang sa naturang insertion sa pondo.











