Inilabas ng Stop Corruption Alliance ang panawagan sa publiko at sa kabataan na huwag kailanman susuko sa gitna ng malalim na pagkabulok ng sistema sa gobyerno.

Nilinaw ni Stop Corruption Alliance Convenor Elmer Jon Mupas na kinakailangan ang patuloy na pagkakaisa, pag-oorganisa ng mga grupo, at pagpapataas ng edukasyon ng mamamayan labas sa panahon ng eleksyon upang ibagsak ang political patronage at mga kickback sa mga proyekto.

Idinagdag ng opisyal na hindi rin sapat ang basta pagboto lamang sapagkat karaniwang naghahari sa bawat halalan ay ang pera ng mga mayayamang sponsor.

Kaya naman, nanawagan ang grupo sa buong komunidad na maging masigasig sa pagpapahayag at pagbibigay-presyon sa gobyerno upang makulong at mapatagot ang lahat ng tiwaling opisyal sa bansa.