Ikinasa na ng City Environment and Natural Resources Office (CLENRO) ang mga paghahanda sa City Memorial Park alinsunod sa Executive Order 497-2026 na naglalatid ng mga giya para sa Ligtas Undas 2026 sa lungsod.

Ibinunyag ni CLENRO Manager Engr. Bing Mabilen na simula pa noong huling linggo ng Oktubre ay isinagawa ang paghahanda at paglilinis sa naturang pampublikong sementeryo alinsunod sa mga naturang patakaran ng lungsod.

Dugtong pa ng opisyal, bukod sa pangkalahatang patakaran ng lungsod, mayroon ding ipinatutupad na mga espesipikong protocol na para lamang sa loob ng naturang memorial park.

Kaya naman, nanawagan ang tanggapan sa mga pamilyang dadalaw na mag-ingat at sundin ang inilabas na mga alituntunin para sa maayos na pag-obserba sa Undas.