Inihanda na ng City Environment and Natural Resources Office (CLENRO) ang nakalinyang koordinasyon sa lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod para sa schedule ng pangongolekta ng basura sa gabi.

Ibinunyag ni CLENRO Manager Engr. Bing Mabilen na mahigpit na ipinagbabawal ang overnight o pagpapanatili sa mga sementeryo matapos itakda ang oras ng pagbisita mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 lamang ng gabi.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang pagtatakda ng naturang schedule ay isinagawa upang hindi makasagupa ng malaking dami ng mga tao at sasakyan sa araw ang mga truck ng basura.

Dahil dito, hiningi sa publiko na igalang ang itinakdang cut-off time at lumisan sa sementeryo bago ang alas-10:00 ng gabi upang magkaloob ng silid sa management at sa CLENRO sa pagwawalis at pag-aayos ng mga basura.